[Hilak.] (Tagalog)

Jy Guerrero
Nov 22, 2020

Pagod na ako sa pag-iyak.
Umahon na ako
mula sa karagatan.
Sabi mo,
papaliguan mo ako sa tubig
kasi sabi mo
Ang init ko.

Baka may sakit ako —
walang gana,
manhid,
nahihilo,
Sobrang hirap
para sayo.

Baka gumaling ka,
sabi mo
at mahuhugasan
lahat ng iyong dumi.

Mahuhugasan
sabi ko.
At mahuhugasan
lahat ng aking kolor
at mga pintig
ng aking puso.

Huhugasan ng dagat
ang pagtingin ko sa’yo
At malulunod ako
sa lahat ng aking
nawalang hininga.

Sinubukan kong
abutin ka
Pero ang mga alon
ay pinalayo ako sa’yo.

Sabi mo
baka may sakit ako.
Kailanman ay
‘di ko naramdaman yon.

Pagkaalis ko
sa tubig,
Ako lamang ay lumiliyab.

--

--